Pagbisita ng mga anak ni Kris kay FL Liza Araneta-Marcos, ipinaliwanag ni PBBM

Lumapit na ang aktres na si Kris Aquino kay first lady Liza Araneta Marcos para sa humingi ng tulong para sa isang travel arrangement.

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos jr makaraang bumisita sa first lady ang magkapatid na sina Bimby at Josh na pawang mga anak ni Aquino.

Ayon sa Pangulo, nagpasalamat lamang ang magkapatid sa kanyang misis dahil tumulong ito sa concern ng ina hinggil sa isang travel arrangement – bagay na hindi na nito idinetalye pa.

Dagdag pa niya, isang human interaction lamang ito sa pagitan ng mga pamilya.

Sa huli, sinabi ng presidente na noon pa naman ay maayos naman ang relasyon ng mga Aquino at Marcos, hindi nga lamang aniya sila magkasundo sa usaping politika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *