Sen. Bato – ‘di natatakot sa imbestigasyon sa ‘Sitio Kapihan’ng Socorro Bayanihan Services

“The gov’t is on top of the situation”

‘Yan ang mariing pahayag ni Senador Ronald Bato Dela Rosa kaugnay sa pagpapatuloy ng pagdinig sa mga alegasyon laban sa Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) sa Sitio Kapihan sa Socorro, Surigao Del Norte.

Ayon kay Dela Rosa, hindi sila natatakot na pumunta rito sa kabila ng kumpirmasyon ng isa sa mga testigo na totoo ang pagkakaroon ng private army at military training dito.

Dagdag pa niya, magsasagawa rin ng isang ocular inspection sa nasabing area bilang pagtitiyak sa seguridad ng bawat dadalo rito.

Maalala, pina-cite-in-contempt na kahapon ang apat na lider ng sinasabing kulto kasama na si Jey Rence Quilario o mas kilala sa tawag na “Senior Agila”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *