Minimum wage increase sa buong bansa, inaasahan bago matapos ang 2023

Inaasahan ng Department of Labor and Employment na magkakaroon ng umento sa arawang sahod sa lahat ng rehiyon sa bansa sa pagtatapos ng taon.

Sa isang panayam, sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, batay ito sa mga aksyon sa mga petisyon na ginagawa ngayon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.

Kamakailan lamang ay inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang wage increase order na isinumite ng RTWPBs sa Cagayan Valley, Central Luzon, at Soccsksargen.

Ayon kay Laguesma, anim na rehiyon pa lamang ang nakatapos ng kanilang proseso, ito ang ang National Capital Region, Calabarzon, Central Visayas, Cagayan, Central Luzon, at Soccsksargen.

Ang pagtaas ng sahod ay resulta ng motu proprio act ng regional wage board o mga petisyon mula sa labor groups dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *