4 na evacuation centers sa Valenzuela, puno matapos ang dalawang sunog sa lungsod

Binigyang-linaw ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na preemptive measure ang ginawa niyang paglikas sa mahigit walong daang indibidwal sa Valenzuela City.

Ito ay matapos matupok ng sunog ang establisyamento ng Herco Trading sa Barangay Bagbaguin at Virces General Construction Company sa L. San Diego St. Brgy. Canumay West.

Ayon kay Gatchalian, tuloy-tuloy lang hanggang madaling araw ang pag-eevacuate nila sa mga taong naapektuhan nito.

Kaugnay nito, puno na ang apat na evacuation centers ng Valenzuela na pinagdalahan ng mga evacuees.

Samantala, nagsagawa na ngayong araw ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan nito kasama na ang iba pang stakeholders upang mapag-usapan ang tulong na iaabot sa lahat ng mga residenteng naapektuhan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *