Selebrasyon ng Civil Service Month tuloy sa gitna ng pandemya, mga aktibidad gagawing online

CAMARINES NORTE- Isasagawa na ngayong umaga sa lalawigan ng Camarines Norte ang kick- off activity para sa pagdiriwang ng Civil Service Month sa Setyembre sa pamamagitan ng virtual mass na gaganapin sa isa sa pinakamatandang simbahan sa lalawigan, ang Paroquia De San Pedro Apostol sa bayan ng Vinzons.

Ayon kay Camarines Norte CSC Acting Director Atty. Alicia Salinas, sa kabila ng pandemya ay kailangan pa ring ituloy ang monthlong activities na karamihan ay  gagawing on line.

Aniya, limitado lang ang face to face activities dahil na rin sa banta ng COVID- 19.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa gitna na rin ito ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan kung saan pumapangatlo ito sa buong rehiyon sa dami ng aktibong kaso na mayroong 390.

“Mostly po ang mga activities na inihanda ng komisyon ngayon ay through online mode na, kasi nga we have to adapt to the new way of kumbaga pagbibigay ng serbisyo sa publiko kasi nga nandiyan pa rin ang threat ng pandemic, so very limited talaga yung mga face to face activities especially now,” ani Salinas sa Talakayan sa PIA.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kada linggo sa buwan ng Setyembre ay mayroong iba’t- ibang tema sa selebrasyon

Ang unang Linggo o mula September 1- 10 ay Linggo ng Lingkod Bayani kung saan binibigyang pagkilala ang mga kawani ng gobyerno na namatay habang ginagawa ang kanilang tungkulin.

Mayroong regional activity na “Zoombaile” na gaganapin sa September 2 na may P150, registration fee.

Ayon kay Salinas, mapupunta ang malilikom na halaga para sa naturang aktibidad bilang one time financial assistance sa pamilya ng kawani ng gobyerno na namatay sa trabaho.