CAMARINES NORTE- Muling magsasagawa ng bakunahan ang Lokal na Pamahalang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte ngayong araw, August 31.
Ayon sa Municipal Health Office, ang bakunahan ay para sa Poblacion Barangays kung saan prioridad pa rin ang mga nasa A2 priority group o senior citizen at ang mga kabilang sa A3 o ang person with comorbidity partikular ang mga may karamdamang katulad ng Hypertension, Diabetes, Asthma, at iba pa.
Gagawin ang pagbabakuna sa Mercedes Evacuation Center / MDRRMO sa Barangay San Roque.
Mahalaga ang pagbabakuna lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa buong lalawigan.
Batay sa vaccine statistics ng Department of Health nasa 86, 262 na ang natanggap na doses ng Camarines Norte.
Sa bilang na ito isangdaang porsiento na ang naiturok habang 49 porsiento pa lang ang nakatanggap ng second dose.
Patuloy pa ring pinapaalalahanan ang lahat na sumunod sa health protocols kontra COVID- 19.
