Seguridad sa NCR kasabay ng nakatakdang inagurasyon ni Marcos, payapa pa

Wala pang natatanggap ang Philippine National Police (PNP) na ulat ng posibleng mga untoward incident, kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. sa National Museum sa Manila.

Batay sa monitoring ng Directorate for Operations, patuloy na smooth ang security implementation sa Manila at sa buong National Capital Region.

Read More:  Sara Duterte maintains trust rating lead over Marcos

Sinabi naman ni Police Maj. Gen. Valeriano De Leon, PNP director for Operations, na may sapat na bilang ng mga pulis sa iba’t-ibang strategic areas, bilang bahagi ng pagtitiyak sa kaayusan ng makasaysayang event.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ilan sa mga lugar na ito ay ang freedom parks na itinakda ng PNP para sa mga raliyesta na kinabibilangan ng Liwasang Bonifacio, Plaza Dilao, Plaza Miranda at Moriones. //MHEL PACIA