Binigyang ng mataas na grado ng isang political analyst ang buong administrasyon ni outgoing President Rodrigo Duterte, kaugnay sa usapin ng COVID-19 response.
Ayon kay Prof. Ana Malindog-Uy, 8 ang kanyang score mula sa scale na 1-10 kung saan ang 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas.
Giit ni Malindog-Uy, excellent ang naturang grado, bagama’t hindi perpekto.
Para sa professor, matagumpay ang tugon ng gobyerno, dahil bagama’t hindi mayamang bansa ang Pilipinas, at walang kapasidad sa usapin ng aspeto ng medikal ay nakasurvive ang bansa laban sa pandemya.

Ito umano ay dahil sa magandang political will ng buong administrasyon at magandang pamumuno.
Kaugnay nito, naitala rin ang mababang death rate kumpara sa ibang mga bansa, sa gitna na hindi maikakaila na talagang may maitalalang fatalities. //MHEL PACIA