Seguridad ng mga bibisita sa Sagñay sa kabila ng dalawang bangkay na natagpuan

CAMARINES SUR — Walang naitatalang krimen o anuman na untoward incident, at generally peaceful ang bayan ng Sagñay, Camarines Sur ito ang tiniyak ng pulisya sa kabila ng pagkakadiskubre sa dalawang bangkay ng lalaki sa Sitio Rawis, Barangay Patitinan, hapon nitong Lunes, Hunyo 24.

Ayon ka PMaj.  Michael Albania, bagaman hindi na ito ang unang beses na nangyari, walang dapat ikabahala ang publiko maging ang mga may balak dumayo sa nasabing bayan. Pagtitiyak pa ng opisyal, nanatili itong safe, at nagpapatuloy ang malalimang imbistigasyon upang mapanagot ang tunay na may sala.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan, Mayor Jovi Fuentebella, na handa aniya silang makikipagtulungan sa pulisya at magbigay ng mga resources para sa ikareresolba ng insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *