Mga Pilipinong sakay ng MV Transworld Navigator na inatake sa Red Sea, ire-reptariate ng DMW kapag nasa ligtas na daungan na

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa maayos na kalagayan ang mga Pilipinong tripulante na sakay ng MV Transworld Navigator na inatake ng grupong Houthi sa Red Sea.

Read More:  Padilla calls for social media ban on youth amid rising school violence

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, isa sa 27 Filipino seafarers ang nagtamo ng minor injury.

Agad namang isasagawa ang repatriation sa mga Pilipino na kapag nakarating na sa ligtas na daungan ang barko.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Patuloy na tinututukan ng DMW ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan na rin sa Department of Foreign Affairs at manning agency ng barko para sa isasagawang repatriation.