Security forces specialists ng PH at US Air Force, sumabak sa law enforcement and combat skills

Sumabak sa enhanced law enforcement and combat skills ang mga security forces specialists ng Philippine at US Air Force sa nagpapatuloy na COPE Thunder 2024 sa Basa Air Base sa Pampanga.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, hinasa ang dalawang hukbo sa law enforcement techniques and combat tactics partikular sa paggamit ng baton maneuvers.

Sa pamamagitan aniya ng joint training exercises, muling pinagtibay ng PAF ang kanilang commitment sa kanilang kahandaang tugunan ang banta sa seguridad habag isinusulong ang kooperasyon sa ibang bansa tungo sa kapayapaan at katatagan ng Indo-Pacific Region.

Sinanay din sa Air Combat Maneuvers ang Philippine Air Force at United States Air Force

Gamit ang FA-50 at F-16 aircrafts , nagsagawa ng Air Combat Maneuvers ang mga piloto ng Air Forces ng Pilipinas at Estados Unidos sa Intensive military training area sa Kanlurang bahagi ng Zambales.

Ang aktibidad na ito ay isang critical component ng isang Flight Integration Training exercise bilang paghahanda para sa nalalapit na Large Force Employment Missions Para sa Balikatan 2024.

Layunin nito na mas hasain pa ang Air Combat Skills ng mga air force personnel na kalahok dito gayundin na mas paigtingin pa ang kanilang teamwork at communication.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *