PNP, pag-aaralan kung liable for sedition ang panawagan ni Alvarez

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) kung liable for sedition ang panawagan ni Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na i-withdraw ng AFP ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, pag-aaralan ito kanilang ng mga legal officers.

Gayunman, nilinaw ni Fajardo na may karapatan ang sinuman na maghayag ng kanilang saloobin na itinatakda ng batas.

Samantala, nanindigan si Col. Fajardo na ang katapatan ng PNP ay nasa konstitusyon at taumbayan.

Nakatutok din aniya ang kanilang hanay sa mandato nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *