Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang nakumpiskang cellphone mula sa 6 na umano’y suspek sa nawawalang sabungeros ay susi sa katotohanan kung ano talaga ang nangyari sa kaso.

Nangako si Remulla na hindi mauuwi sa wala ang pag-aresto sa mga salarin.
Nagsilbing pag-asa sa ilang pamilya ng missing sabungeros ang pahayag ng Justice Secretary.
Samantala, nangamba pa rin ang ilan sa kanila na makalaya ang suspek dahil umatras na ang unang kaanak na naghain ng reklamo.