Sandro Marcos, itinangging siya ang mamamahala ng Maharlika

Mariing pinabulaanan ni House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ang usap-usapan na pamumunuan niya ang Maharlika Investment Corporation.

Ayon kay Marcos, bukod sa kasinungalingan ang naturang impormasyon ay hindi rin siya interesado sakaling italaga sa posisyon.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Inamin din ng presidential son at Ilocos Norte Representative na hindi siya qualified sa posisyon.

Nag-ugat ang pahayag ni Marcos sa ulat na siya umano ang itatalaga bilang President and Chief Executive Officer ng MIC upang mamahala sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa kasalukuyan, naghahanap pa ng mga bubuo sa MIC board at ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon ay itinakda sa September 27.