KORONADAL CITY – NAGBITIW bilang kalihim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA si Secretary Suharto “Teng” Mangudadatu.
Sa kanyang official statement, inihayag ni Mangudadatu na ang kanyang pagbibitiw ay bunsod ng plano tumakbo sa lokal na posisyon sa halalan sa susunod na taon.
Ngunit pinasiguro ng opisyal na mananatili itong kaibigan, kaalyado at supporter ni President Ferdinand Marcos Jr, House Speaker Martin Romualdez at ng buong Marcos administration.
Pinasalamatan din ni Mangudadatu ang tiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo na maging TESDA Secretary. Si Mangudadatu ay dating gobernador at kongresista ng lalawigan ng Sultan Kudarat.
