Detalyadong assessment sa mga apektado ng bagyong Carina at Habagat, ipinag-utos ni PBBM

Nais ni Pangulong Bongbong Marcos na detalyado ang ilalahad na datos ng mga ahensya ng gobyerno patungkol sa mga apektado ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.

Sa ganitong paraan anya, mas makatutugon ng maganda ang pamahalaan, depende sa partikular na pangangailangan ng mga biktima ng bagyo, lalo’t magkakaiba aniya ang kailangan ng bawat probinsya, munisipalidad, at siyudad.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Pinasasama rin ng Pangulo sa report ng mga government agency kung ilan ang mga stranded, nasaan eksakto ang mga ito, at ano na ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Mas mama-maximize anya ng gobyerno ang limitadong assets nito, at mas mabilis na makatutugon sa paghingi ng tulong ng mga residente.