Simula ngayong araw pwede nang mag avail ng emergency loan ang mga GSIS members and pensioners na apektado ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.
Ayon kay GSIS President and General Manager Jose Arnulfo Veloso, naglaan ang GSIS ng 18.5 billion pesos para emergency loan ng kanilang 864 thousands members at pensioners.
Eligible sa emergency loan ang mga active member, hindi naka unpaid leave, walang pending administrative o legal cases at nakakabayad ng hindi bababa sa anim na buwan ng premium bago mag-apply.
Hanggang 20 thousand pesos ang maaaring hiramin ng mga myembrong walang naunang pagkakautang sa GSIS, at meron itong 6% interest kada taon na may tatlong taong repayment period.
Maaaring mag apply sa GSIS Touch sa mobile application o di kaya’y sa mga opisina ng GSIS sa kanilang lugar, pwede rin sa GSIS wireless automated processing system kiosk na matatagpuan sa mga pangunahing tanggapan ng gobyerno tulad ng Department of Education, sa mga kapitolyo ng probinsya, city halls, municipal offices at piling Robinson’s at SM malls.
Habang ang SSS calamity loan naman ay iniaalok sa active member ng SSS at mayroong atleast 36 months na contribution.
Ang pag submit ng application para sa SSS calamity loan ay pwede lang via online sa my.sss.account.
Samantala, iniaalok lang ang emergency loan ng GSIS at calamity loan ng SSS sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.