Sec. Herbosa, inilatag ang 8-point agenda ng DOH

‘It really feels like coming home’

Ito ang naging pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa kasabay ng pormal na turn-over ceremony sa Kagarawan ngayong umaga.

Pinasalamatan naman ni Herbosa ang ginawang pagsisilbi ni Usec. Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge ng DOH sa loob ng ilang buwan habang wala pang naitatalagang full-fledged secretary ang pangulo.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Aminado naman siya na marami pang mga pagsubok na kahaharapin ang Kagawaran pero sa pamamagitan ng good governance ay makakamit din ang good health para sa lahat.

Kaugnay nito, inilatag ng bagong Kalhim ang 8-point agenda na susundin ng DOH sa ilalim kng kaniyang liderato.

Kabilang na rito ang pagtitiyak na ramdamn ng mga Pilipino ang kalusugan; pagkakaroon ng ligtas, dekalidad, at makapanggagaling na serbisyo; makabagong teknolohiya para sa mas mabilis na health services, at pagiging handa sa krisis.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Pasok din sa agenda ni Herbosa ang mga pamamaraan sa pag-iwas sa sakit, ginhawa ng isip at damdamin ng mga Pilipino, kapakanan at karapatan ng mga healthcare workers, at proteksyon sa ano mang mga pandemya. //MCV