Patuloy na nagpamalas ng intensified at magmatic unrest ang Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras, na may 265 rockfall events at napakabagal na daloy ng lava ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw ng lunes.
Sa kasalukuyang panahon ay walang naitalang anumang lindol ang nasabing bulkan ngunit nakaranas ng limang pyroclastic density.
Umabot sa 1.5 kilometrong haba ang inabot ng mabagal na daloy ng nasabing lava.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, ang pagbagsak ng lava sa Mi-isi at Bonga Gullies ay nasa loob ng 3.3 kilometro mula sa crater.
Matatandaan na nagpalabas ang Bulkang Mayon ng 889 tonelada ng sulfur dioxide noong Linggo, na mas mababa kaysa sa 1,004 tonelada na inilabas noong Sabado. (Brigada Intern- JC Javier)
