Naaresto ng Bureau of Immigration ang isang South Korean national na wanted sa Seoul dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.
Nahuli ang pugante na si Choi Sol sa main office ng BI sa Intramuros, Manila matapos makatanggap ng impormasyon ang ahensya tungkol sa presensya nito sa loob ng tanggapan.
Idedeport ang dayuhan dahil sa ilegal na pananatili sa bansa at pagiging undesirable alien.
August 2022 nang maglabas ang Cheongju City ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa diumano’y pagpapatakbo ng Telegram chatroom para magbenta ng mga ilegal na droga, kabilang ang mga hemp cartridge at cocaine.
Kasalakuyung nakakulong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dayuhan habang isinasagawa ang proseso ng kanyang deportasyon.