Seaweeds farm sa Calawag Taytay, naabot na ng oil spill

Nangangamba na ngayon ang mga seaweeds farmer mula sa Barangay Calawag Taytay Palawan sa epekto ng Oil spill sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Rowena Olingay Agnes, malapit na sa kanilang pananim na seaweeds ang oil spill.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Aniya, kalalagay lamang nila umano ang kanilang seaweeds kaya’t wala sila umanong mapapakinabang kapag kinuha agad nila ito.

Dagdag pa ni Rowena, nagharvest na umano ang ibang mga seaweeds farmer ng kanilang pananim dahil sa takot na maapektuhan ng oil spill.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Gayunpaman, umaasa sila na may tulong na ibibigay ang lokal na pamahalaan para sa kanila bunsod ng nararanasan.