Inilunsad ng Land Transportation Office Region 3 at Rotary Club Clarkfield ang Search for Bayaning Tsuper.
Ito ay para mas mapaigting pa ang disiplina at kaalaman ng mga motorist para sa mas ligtas na kakalsadahan.
Ito ay para sa mga jeepney at tricycle driver na professional driver’s license holder sa loob ng at least 10-taon, may valid professional driver’s license at may valid motor vehicle registration and franchise/authority.
Ang mga interesado ay maaaring magsumite ng written o printed copy ng buong pangalan, date of birth, permanent resident address, contact number, license number, at pangalan ng transport group o asosasyon kung mayroong kinabibilangan sa pinakamalapit na LTO district office bago ang ika-9 ng Agosto ngayong taon.
Kailangan rin ang photocopy ng lisensya, motor vehicle registration at franchise o authority mula sa LTFRB o LGU.
Sasalang sa basic written examination ang mga kwalipikadong driver at ang limang front-runners ay magpapatuloy sa oral interview.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Land Transportation Office Region 3
