Hinihimok ng Local Government Unit o LGU ng Masinloc ang mga magsasaka sa lugar magparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.
Ito ay upang makasama sa mga benipisyaryo ng mga proyekto ng RSBA sa ilalim ng Department of Agriculture.
Ayon sa LGU marami ang mga maaring matanggap na tulong ng mga rehistradong magsasaka lalo na sa mga sakahan at mga magsasaka na apektado ang kabuhayan dahil sa kalamidad.
Samantala ang pagpaparehistro ay maaaring gawin derekta sa website ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng pagfill-up ng mga nakahandang application forms via on line.//Russell Banawa-BNFM IBA
