Search and Rescue Operations sa nawawalang mangingisda sa Paracale tuloy-tuloy ayon sa PCG

CAMARINES NORTE – Tuloy-tuloy ang ginagawang Search and Rescue Operations sa isang mangingisda mula sa bayan ng Paracale, Camarines Norte na ilang araw ng nawawala.

Batay sa spot report ng Philippine Coast Guard pumalaot ang mangingisdang si Diego Banduria, 68 anyos, residente ng Barangay Gumaus sa nabanggit na bayan sa karagatang sakop ng Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban noon pang November 30, 2023.

Nang hindi ito makabalik hanggang nitong December 2, ay nagreport na kinabukasan, December 3, sa Coast Guard Paracale Substation ang anak nito kasama ang isang Kagawad ng Barangay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Agad na nakipag ugnayan ang Coast Guard sa fisherfolks ng Barangay Gumaus para sa posibleng sightings ng nawawalang mangingisda at nakipagtulungan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa Search and Rescue Operations.

Nakatanggap  ng impormasyon ang Paracale Coast Guard Substation mula sa counterpart nito sa Jose Panganiban na isang bangka ang nakitang bahagyang nakalubog sa pagitan ng vicinity water ng Barangay Gumaos at Macolabo, Paracale.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Agad na hinila ang bangka at iprinesenta ang kuhang larawan nito sa anak ng nawawalang mangingisda at kinumpirma nga ng una na ang nakitang bangka ay pag- aari ng kaniyang ama.

Nagsagawa ng Search and Rescue Operations ang Coast Guard, MDRRMO at Bantay Dagat at ginalugad ang vicinity waters ng Poblacion Norte hanggang Macolabo Island pero bigo pa rin ang mga itong makita ang nawawalang mangingisda. Ito ang unang pagkakataon na may naiulat ang PCG na maritime incident mula nang pumasok ang panahon ng amihan.