9th Infantry Division Phil. Army, bukas sa peace talks

CAMARINES SUR- Plano ng Gobyerno na buhayin ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines.

Sinuportahan ng ilang mga lider sa kamara ang plano ni Pangulong Marcos Jr. Sinabi naman ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na ito ay “an agreement with the devil.”  Sumusuporta aniya ang bise sa mga hakbang para itaguyod ang kapayapaan sa bansa pero hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan. Ang dapat  aniyang gawin ay ipagpatuloy an nasimulan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City
Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Maj. Frank Roldan, DPAO Chief ng 9th Infantry Division Phil. Army , sinabing bukas at  handa sila sa Peace Talks pero kailangan aniyang masunod ang probisyon na ang taongbayan ang mamanalo at hindi sasamantalahin na magkapag recruit o makapag palakas ng puwersa.