Seaoil depot sa bayan ng Pilar malapit nang mag-operate; presyo ng krudo at gasolina inaasahang bababa

Kinumpirma ng Provincial Government ng Sorsogon na ngayong taon ay inaasahang mag-ooperate na ang Seaoil Depot sa Barangay San Antonio, Pilar.

Itinuturing ito na pinaka-unang oil depot sa probinsya.

Ayon kay Governor Edwin ‘Boboy’ Hamor, mahigit 7 taon itong inasikakso ng Provincial Government at ngayong taon lamang ay mapapahintulutan na ang operasyon nito upang hindi na kailangan pang manggaling ang krudo at gasolina sa mga Depot mula Cebu at Camarines Sur.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Asahan na rin ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa lalawigan at mahigit sa piso ang maaaring maging diskwento nito sa mga gasolinahan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Paglilinaw ng opisyal, hindi rito natatapos ang pagbibigay nila ng tulong sa transport sector dahil maglulunsad rin sila ng Libreng Gulong sa mga tsuper at mayroon na umano itong nakalaang pondo.