Holy Trinity Cathedral inihahanda na para sa pagdating ng labi ni  retired Bishop Almoneda mamayang gabi

CAMARINES NORTE- Inihahanda na ang Holy Trinity Cathedral para sa pagdating ng labi mamayang gabi ni Bishop Emeritus Benjamin Almoneda

Kanina ay naabutan ng Brigada News Team ang cathedral staff na naglininis at inihahanda ang paglalagakan ng yumaong Obispo para sa public viewing na magsisimula bukas ng umaga hanggang alas 6 Miyerkules ng gabi.

Naglabas na rin ang Chancery Office ng schedule ng mga misa para sa yumaong Obispo na lahat ay gagawin sa katedral.

Pangungunahan ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang unang misa sa ganap na alas 6: 30 ng umaga bukas.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Alas 9 naman ng umaga ang sunod na misa ng Vicariate of Our Lady of Candelaria na susundan ng alas 12 ng tanghaling misa ng Vicariate of St. Raphael.

Alas tres naman ng hapon ay ang misa ng Vicariate of St. Helena the Empress at sa alas 6 ng gabi ay ang Clerics Regular Minor o Adorno Fathers.

Kinabukasan, Enero 11 ay magkakaroon ng misa sa alas 6: 30 ng umaga ng Vicariate of St. Francis of Assisi na susundan ng alas 9 misa ng Vicariate of St. John the Apostle.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Pagsapit ng tanghali ay ang misa ng Bicol Bishops at ng Vicariate of St. Lucy.

Mayroon ding misa sa alas tres ng hapon ang Vicariate of St. John the Baptist.

Alas 6 naman ng gabi ang farewell mass na pangungunahan uli ni Bishop Alarcon bago dalhin ang labi ng Bishop Emeritus sa Notre Dame de Vie Chapel sa Bulacan.

Alas 3 naman ng hapon sa Enero 13, Biyernes ang funeral mass sa naturang kapilya at ang libing ay sa Cemetery of the Priests of Notre Dame de Vie.