Umaasa ang Deped Schools Division ng Zambales na maaabot ang herd immunity sa mga personnel nito sa susunod na buwan ng Nobyembre.
Ito ay ang pitumpung porsyento ng lahat ng mga tauhan ng Deped sa lalawigan mula sa teaching at non-teaching personnel.
Ayon kay Dr. Glen Edaňo ng Zambales Deped, sa ngayon ay nasa animnaput apat na porsyento na ang nababakunahan kontra corona virus disease sa kanilang hanay.
Dahil dito, tiwala ang SDO Zambales na sa susunod na buwan ay maaabot na nila ang herd immunity.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
