SDO Isabela, labis ang pasasalamat sa pagpapasakamay ng opisina sa old municipal hall ng Tumauini

Labis ang pasasalamat ng pamunuan ng Schools Division Office (SDO) of Isabela matapos ang pormal na pagpapasakamay sa kanila ng ilang offices sa old Municipal Hall ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay OIC Schools Division Superintendent Madelyn Macalling, nagpapasalamat siya aniya sa LGU Tumauini dahil prinayoridad ang DepEd na mabigyan ng espasyo sa lumang munisipyo.

Binuksan na doon aniya ang SDO Isabela Satellite Office at ang tanggapan ng Tumauini North at South District.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Aniya, ipinagkaloob sa kanila ang dating Vice Mayor’s Office na ngayon ay inokupahan na ng Tumauini South District, ang dating Admin Office, HR office at ang magiging common conference hall.

Ayon kay Dr. Macalling, sa pamamagitan nito ay asahan ang mas mahusay at epektibo pang serbisyo na kanilang maibibigay sa mga teaching at non-teaching personnel lalo na sa mga mag-aaral.

Sa katunayan aniya ay balak nilang gawing radio station para sa Radio-Based Instruction ang isang room doon na magagamit sa susunod na school year.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa niya na makakatulong din ito na mabawasan ang crowd sa SDO Isabela, ma-minimized ang movement ng mga kaguruan at para sa mas pinadali na transaksyon.

Pinasalamatan din ni Dr. Macalling ang Pamahalaang Panlalawiganng Isabela, mga Chief Executives at mga external stakeholders dahil sa patuloy na ibinibigay na suporta sa SDO Isabela lalo na ngayong panahon ng pandemiya.

Photo/ Bayan ng Tumauini