PNP, makikipag-coordinate sa LGUs re: travel requirement

Ipinag-utos na ng Philippine National Police (PNP) sa mga opisyal nito na makipag-coordinate sa mga lokal na pamahalaan kaugnay ng mga dokumento na dapat i-presenta sa quarantine control points. 

Ito ay matapos na sabihin ng Department of Health (DOH) na posibleng i-require pa rin ang COVID-19 tests para sa mga fully vaccinated tourists sa kabila ng unang announcement na ipresenta na lamang ang vaccination cards.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ayon kay NP chief Gen. Guillermo Eleazar, para maiwasang malito ang mga turista kung ano ang dapat nilang dalhin sa pagbiyahe nila sa iba’t-ibang panig ng bansa, nakikipag-coordinate na ang kapulisan sa LGUs.

Aniya, pinaplantsa pa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang polisiya. 

Una nang niluwagan ng IATF sa Resolution 124-B, ang mga patakaran sa interzonal travel ng mga indibidwal na fully vaccinated na.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Kasunod nito, inanunsyo ng ilang local tourist spots gaya ng Baguio at Davao na pwedeng ipresenta nalang ng fully-vaccinated persons ang kanilang vaccination cards nang di na nagpapakita ng COVID-19 test result.

Ang Boracay naman, patuloy umano silang magre-require ng negative COVID-19 tests sa mga turista sa loob ng 72 oras bago dumating sa Boracay hanggang di pa sila nakakapag-setup ng sistema para ma-validate ang vaccination cards.