Schedule ng satellite voter registration sa bayan ng Basud ngayong buwan inilabas ng Comelec

CAMARINES NORTE – Inilabas ng Commission on Elections ang schedule ng satellite voter registration sa mga Barangay ng bayan ng Basud, Camarines Norte ngayong buwan.

Sa May 4 ay tutungo ang Comelec sa Barangay Hall ng Poblacion 1 para magsagawa ng registration.

Sunod namang tutunguhin ng Comelec ang Barngay Caayunan sa May 10, San Felipe sa May 11, Lidong sa May 18 at Matnog sa May 25.

Ang satellite voter registration sa mga nabanggit na Barangay mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Pagkakataon ito para sa mga residente na magparehistro na hindi na kailangan pang magtungo sa opisina ng Comelec sa munisipyo.

Magtatapos ang voter registration sa Setyembre pero ngayon pa lang ay pinapaalalahanan ng Comelec ang mga hindi pa rehistrado na nasa tamang edad na  na huwag nang hintayin ang deadline.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *