Archbishop  Alarcon “mix emotions” pa rin sa kaniyang paglisan sa Diocese of Daet

CAMARINES NORTE – “Thank you from the bottom of my heart”!

Ito ang mga katagang binitiwan ng dating Obispo ng Diocese of Daet na si Archbishop Rex Andrew Alarcon sa kaniyang farewell mass, Miyerkules ng umaga sa Holy Trinity Cathedral dito sa bayan ng Daet bago umalis patungo sa Lungsod ng Naga.

Aminado si Archbishop Alarcon na nalulungkot pa rin siya dahil napamahal na umano sa kaniya ang Diocese of Daet na limang taon niyang pinagsilbihan bilang Obispo.

Ngayong umaga ang installation at canonical possession ni Alarcon sa Naga Metropolitan Cathedral bilang ika 35 Obispo at ika- 5 Arsobispo ng Caceres.

Nang matanong hinggil sa posibilidad na siya rin ang maging Apostolic Administrator ng Daet habang wala pang bagong Obispo, sagot ni Alarcon…

Simula ngayong araw ay opisyal nang “sede vacante”  o vacant see ang Diocese of Daet.

Batay sa datos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), siyam na Dioceses sa Pilipinas ang walang obispo at ang pinakabago sa listahan ay ang Daet.

Huling naging sede vacante ang Daet noong 2017 makaraang italagang Arsobispo ng Lipa si Archbishop Gilbert Garcera.

Pagkalipas ng dalawang taon, itinalaga ni Pope Francis si Alarcon bilang ika- apat na Obispo ng Daet.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Diocese  hinggil sa kung sino ang hihiranging Diocesan Administrator habang wala pang bagong Obispo.

Tiniyak naman ng bagong Arsobispo ng Caceres na kaisa siya ng mga taga Daet sa pagdarasal na magkaroon agad ito ng Obispo lalo’t ngayong taon ay ipagdiriwang ang ika- 50 taong pagkakatatag nito bilang Diyosesis.

PHOTO COURTESY: Archdiocese of Caceres

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *