Inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na lagi nilang kinokonsidera ang posibilidad na palaruin bilang contending team sa PBA ang Gilas Pilipinas.
Naniniwala si Panlilio na magiging magandang paraan ito para magkaroon ng game exposure ang national team para mapaghandaan ang mga paparating na windows ng FIBA Asia at Pacific World Cup qualifiers

Unang sasabak ang Pilipinas sa first qualifying window kung saan ay makakatapat ng Pilipinas ang South Korea sa November 25 at 28.
Haharapin naman ng Gilas ang India sa February 25 at New Zealand sa February 28 para sa second window.
Mababatid na inaasahang magsisimula ang ikalawang conference ng PBA sa huling bahagi ng susunod na buwan.
Ibig sabihin, kung sasali ang Gilas ay makakasali pa ito sa maraming laro bago ang qualifiers.