Carla at Tom, ikakasal sa November

Aminado ang aktres na si Carla Abellana na nahihirapan sila ni Tom Rodriguez ngayon sa pagpaplano ng kanilang kasal na inaasahang gagawin na sa November.

Pero sinabi ni Carla na naitatawid naman nila so far ang kanilang mga plano.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Ayon kay Carla, wala silang full control sa lahat ng mga nangyayari sa paligid sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Anya, meron rin mga desisyon at protocols ang gobyerno na kailangang masunod.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Mababatid na inanunsyo nina Carla at Tom ang kanilang engagement noong Oktubre ng taong 2020.

Samantala, bagamat sa Nobyembre pa magiging real-life wife si Carla, ay gagampanan muli nito ang papel ng isang may asawa sa upcoming series nito kung saan ay makakasama niya sina Max Collins at Rocco Nacino.