SBP, hindi muna isasama si Thompson sa mga natitirang Europe tune up games 

HINDI umano isasama sa mga natitirang tune up games ng Gilas Pilipinas si Scottie Thompson sa Europe para sa paghahanda sa hosting ng bansa para sa FIBA Basketball World Cup. 

Nagtamo kase ng injury si Thomson sa kanyang kanang kamay pagkatapos ng tune-up games nila sa Lithuania.  

Kaugnay nito ang hindi matiyak sa ngayon ng Gilas Pilipinas ay kung makakasama pa ang key player na Scotie Thomson sa paglalaro sa FIBA Basketball World Cup. 

Si Thomson ay bahagi ng rotation guard ng Gilas kung saan nakapaglaro si Thomson ng anim na beses na may average na 6.2 points, 6.8 rebounds at 4.8 assists noong FIBA World Cup qualifiers. 

Sasabak pa ang Gilas sa ilang tuneup games at training camp. 

Isa na rito ang paghanap sa tamang kumbinasyon, bagay na tututokan nito upang agad na masolusyunan ilang linggo bago ang 2023 FIBA World Cup na hahataw na sa Agosto 25 sa Maynila. ### Rizadel Lopez Intern