Australian media outlet, humingi ng paumanhin matapos maglabas ng ‘racist advertisement’ sa isang pahayagan

ISANG malaking Australian media outlet ang humingi ng paumanhin matapos ang hinaing sa isang buong pahina ng pahayagan na umano ay tinawag na racist advertisement.

Makikita sa nasabing pahina ng advertisement sa Australian Financial Review na ang Independent MP na si Kate Chaney na nakaupo sa kanyang ama.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Samantala, ang Wesfarmers Chairman na si Michael Chaney ay nag-aabot ng pera kay Thomas Mayo – isang indigenous leader na makikita sa lawaran na nakatayo sa kan’yang harapan .

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Nine Company ang may-ari ng nasabing pahayagan na ang advertisement ay hindi dapat inilathala at humihingi sila ng paumahin kaugnay dito.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Dagdag nito, hinihikayat umano nila na magkaroon ng diskusyon ang magkabilang panig upang maiwasan ang mga personal at hindi angkop na pagtatalo. ###HARLIN LUMIBAO, Intern