Mahigit P600K halaga ng shabu nasamsam sa Camarines Sur

NAGA CITY – Aabot sa mahigit P600K ang halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga otoridad sa 3 pinaniniwalaang pusher sa San Fernando Camarines Sur matapos maikasa ang isang Buy Bust Operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit kahapon.

Sa ulat ng PNP naganap ang operasyon sa Brgy. Beberon, kung saan nabilhan ng isang operatiba ng illegal na droga ang isa sa mga suspek na si Allyn Nepumuceno, 30-anyos ng nasabing lugar, kung saan kasama nito ang kaniyang 25-anyos na kapatid na si Aldren Notado.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ayon pa sa Pulisya, nahuli rin sa loob ng bahay ng mga suspek si Dominador More, 51-anyos ng Sagrada, Minalabac Camarines Sur na pinaniniwalaang nag iiskor din ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska sa posesyon ng mga ito ang 4 na pakete laman ang illegal na droga na nagkakahalaga ng P612,000.00

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon sa mga otoridad sinubaybayan ng ilang linggo ang nasabing lugar dahil na rin sa report ng bentahan ng illegal na droga at ito’y napatunayan ng magsagawa ng test buy ang mga operatiba sa mga suspek.

Mahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal na droga ang mga nahuling suspek.