Tiniyak ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na mayroong magandang balita ang maiiwan tungkol sa nagsarang Hanjin Industries and Construction Company bago bumaba sa puwesto ang kasalukuyang chairman at administrator.
Ito ay makaraang magsara ang Korean Shipbuilder noong January 2019 dahil sa bigong pagbabayad ng utang at pagkalugi.
Dahil sa pangyayari, libo-libong Pilipino ang nawalan ng trabaho at umaasang muling magbubukas ang shipyard.
Bagamat pinagbawalang talakayin ang isyu ng Hanjin Industries, di naman napigilan ni Sbma Chairman Administrator Wilma Eisma na sabihing may magandang balita bago matapos ang termino sa SBMA sa 2022.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Yahoo
