ISINUGOD sa ospital ang isang empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Mother Kabuntalan matapos mahimatay ito pasado alas dyes kahapon ng umaga habang isinasagawa ang COVID-19 rollout vaccination sa lugar.
Hinimatay umano si Ms. Myra Mantawil matapos na makaranas ito ng pagkahilo sa gitna ng CoVid19 vaccination center sa Barangay Bagumbayan ng nasabing bayan.
Mabilis namang tinulungan ng mga elemento ng Kabuntalan PNP sa pangunguna ni PSSg Abdulazis B Angin kasama sina PCpl Datu Wopsy L Lauban (Duty Driver) at PCpl Datu Hasher Bagundang sa superbisyon ni PLT GIAN CARLO E DEMETION, COP si Mantawil at agad na isinugod sa ospital upang mabigyan ng proper medical attention.
Photo: Kabuntalan MPS