Magsisimula nang tumanggap ng loan applications ang Small Business Corporation mula sa mga Micro Small and Medium Enterprises.
Ito ay para sa mga negosyanteng nangangailangan ng pinansyal bilang pambayad sa 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.
Ayon sa SBCorp, ang 13th Month Pay Loan Facility ay bukas para sa mga MSMEs na mayroong dalawampung empleyado pababa na enlisted sa DOLE mula March 2020 hanggang October 15, 2021 na mayroong flexible work arrangement at may operasyon pa rin hanggang November 2.
Ang standard loan amount kada empleyado ay 12,000 pesos at nakabase ang approval ng loan sa bilang ng mga manggagawa na may flexible work arrangement na inireport ng may-ari ng kompanya sa DOLE.
Babayaran naman ito ng negosyante sa loob ng isang taon at mayroong grace period na tatlong buwan, walang interest at mayroon lamang 4% na one-time service fee.
Samantala, magsisimulang tumanggap ng aplikasyon ang SBCorp sa November 2 kung saan maaaring bisitahin ng mga interesado sa programa ang website nito na www.sbcorp.gov.ph//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
