Mga sementeryo sa lungsod ng Legazpi maaaring dagsain, kita ng mga nagpipintura ng lapida naging matumal dahil narin sa pandemya

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Dingdng Gonzalez o Mommy De ang Area Supervisor ng isang pribadong sementeryo ng Legazpi na hindi pa gaano karami ang mga taong pumupunta sa  sementeryo. Ito ang kanyang naging obserbasyon simula ng magpalabas ng executive order tungkol sa pagsasara sa araw mismo ng despiras hanggang Nov 2 2021.

Ayon sa cemetery supervisor, maaaring magsipuntahan bukas o huling limang araw ng pagbisita sa kanilang mahal sa buhay. Posibleng abala pa umano ang mga ito sa kanilang trabaho o umiiwas lang muna sa pagdagsa ng tao sa nasabing sementeryo dahil sa sakit na covid 19 sa lungsod.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

 Umaabot sa mahigit kumulang sa 15K ang nakalibing sa Memorial Park kung saan dito na rin nakalibing ang ilang kilalang mga politiko.  Sinabi pa nito, mahigpit naman na ipapatupad ng memorial park ang health protocols sa sementeryo kung saan kinakailangan bantayan upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit sa mga bibisita sa sementeryo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

 Samantala, Ayon naman kay Crisanto Puaso, isang pintor ng lapida, masyadong matumal ang kanilang kita ngayong taong 2021. Kung ikukumpara umano sa nakaraang taon, dahil sa nararanasang pandemya at kokonti pa lang ang pumupunta sa sementeryo. Ito na rin ang kanyang ikalimang taon niyang pagpipinta ng mga lapida, at ngayon lang nakaranas ng napakababang kita.