SORSOGON CITY – Nasa custodial facility pa rin ng Aroroy Municipal Police Station ang maglive-in partner makaraang hainan ng kanilang warrant of arrest sa Brgy Tigbao, Aroroy, Masbate.
Kinilala ang mga akusado na sina Edward Dongon Danao, 39-anyos, magsasaka at Irene Francisco Mahinay, 36-anyos, parehong residente ng nasabing barangay.
Sa panayam ng Brigada News sa imbestigador ng nasabing kaso, sinabi nito na may nangyayaring pag-uusap ng ‘amicable settlement’ o areglo ang pamilya ng biktima at mga akusado.
Ayon umano sa mga akusado, ang kanilang perang pampiyansa ay ibabayad na lang nila bilang ‘danyos perwesyo’ sa kanilang biktima.
Ang kaso ng maglive-in partner ay nag-ugat nang masira ng 15-ayos na biktima ang kanilang gamit sa pag-iihaw.
Umano’y lasing ang menor-de-edad nang mangyari ang insidente. Bunsod nito, nagalit ang mag-partner at sinaktan ang menor-de-edad. Hanapbuhay umano ng magpartner ang pag-iihaw ng BBQ at iba pa.
Gayunpaman, kinatigan ng korte ang isinampang kaso ng menor-de-edad na paglabag sa RA 7610 o Child Abuse.

