SB19, kauna-unahang P-pop group na nagperform sa isang sikat na Japanese YouTube channel

Muling lumikha ng panibagong kasaysayan ang P-pop King na SB19 matapos silang magperform sa isang sikat na Japanese YouTube channel na “The First Take”

Ang mga fans ng SB19 ay nagbigay din ng kanilang pagmamahal, suporta, at pananabik bilang #SB19 at “HALA THE FIRST SB19 TAKE”.

Read More:  Cher blindsided as son’s estranged wife demands $12K monthly support after drug spiral lands him in hospital

Inilabas naman ng SB19 noong nakaraang buwan ang kanilang pinakabagong single na ”Moonlight” at ang music video ng track.

Natapos na ng SB19 ang kanilang Pagtatag, World Tour sa Dubai, at noong Mayo 18-19 sa Araneta Coliseum nagsagawa ng matagumpay na back-to-back finale concerts ang grupo.

Read More:  Azealia Banks exposes Conor McGregor’s alleged nude photo scandal and claims UFC star threatened her after sending explicit images

SB19 maglalabas ng pelikulang ”Pagtatag”, at nakatakda itong ipalabas sa Agosto.

Binubuo ng limang miyembro ang SB19, at kilala sa kanilang mga hit songs na ”What?”, ”Bazinga”, at ”Gento” , at iba pa. (BRIGADA NEWS INTERN-CHA ARMADA)