CAMARINES NORTE- Umarangkada na ang satellite voter’s registration sa bayan ng Basud, Camarines Norte simula noong Huwebes, Hulyo 7 bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre
Unang tinungo ng Commission on Elections ang Barangay Angas kung saan nakapagrehistro ng mahigit sa 140 indibidwal.
Ayon kay Municipal Election Officer Annelyn Abanes, sa Barangay lahat ang kanilang gagawing voter’s registration maliban kapag araw ng Lunes at sa huling dalawang araw ng registration.
Kahapon tinungo naman ng Comelec ang Barangay Guinatungan at ngayong araw ay sa Barangay Mampili.
Simula naman sa Martes, Hulyo 12 hanggang 16 ay pupuntahan ng Comelec ang mga Baranggay ng Langga, Mandazo, at Mantugawe ayon sa pagkakasunod- sunod.
Ang Basud ay pangalawa sa may pinakamaraming Barangay sa Camarines Norte na mayroong 29 sunod sa Labo na may 52.
Ang voter’s registration ay bukas simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Ang mga tatanggaping klase ng application ay new registration, transfer mula sa ibang munisipyo o barangay, change/correction of entries, reactivation of records, inclusions and reinstatement at transfer from foreign post to local.
Ang mga magpaparehistro para sa SK ay dapat 15 taong gulang pero hindi naman lalagpas sa 30 taong gulang at naninirahan sa barangay ng anim na buwan bago mag December 5, 2022.
Maari ring bomoto ang regular voter sa SK o 18 taong gulang at hindi lalagpas ng 30 taong gulang.
Ang mga dati nang rehistrado sa SK ay hindi na kailangang magparehistro ulit dahil awtomatikong maisasama ito sa listahan ng regular voter.
Maaaring magdala ng alinman sa mga sumusunod na requirements sa pagpaparehistro; National ID, Employee’s ID na may pirma ng employer o authorized representative, Postal ID, National PWD ID card, Student’s ID o library card na may pirma ng school authority, senior citizen’s ID, driver’s license, NBI clearance, passport, SSS/GSIS ID, IBP ID, lisensiya na inisyu ng PRC, Certificate of confirmation issued by NCIP kung miyembro ng IPs, Barangay Identification o certification na may picture o anumang valid ID
