Mag-ama sugatan matapos tamaan ng kidlat sa San Fernando Camarines Sur

CAMARINES SUR- Sugatan ang mag-ama sa Camarines Sur matapos na tamaan ng kidlat.

Nangyari ito bandang alas 4:10 sa Barangay Lupi , San Fernando. Kinilala ang mga sugatan na sina Raul Lanuza at 15-anyos na anak.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sumilong sila sa bahay kubo malapit sa sakahan nang lumakas ang buhos ng ulam nang biglat kumidlat at tumama sa mga ito. Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mag-ama, nakapagresponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at dinala sa ospital sa Naga.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer Dr. Rommel Fajardo sinabing stable na ang mag-ama.

Pinag-iingat ang lahat lalo na ang mga nasa open area.