Namataan sa isang animal welfare event si Pop Star Royalty Sarah Geronimo, kung saan tumulong ang singer-actress sa mga rescued dogs sa isang rehabilitation center.
Ayon sa Animal Kingdom Foundation (AKF), pangalawang beses nang mag-volunteer ni Sarah sa kanila at ready itong tumulong sa mga furbabies.

Dagdag pa nito, wala rin dawng karate-arte si Sarah kung madumihan ang kanyang kamay at malagyan ng mga balahibo ang damit nito.
Sa huli, sinabi ng AKF na na-inspire nito ang kanyang fans na suportahan ang mga adbokasiya para sa kapakanan ng mga hayop dahil ginamit ni Sarah ang kanyang impluwensya sa tamang paraan.
Photo from Animal Kingdom Foundation Official Facebook Page