Nakamit ng Western Visayas gold sa secondary girls volleyball ng 2023 Palarang Pambansa, laban sa three-time champion na National Capital Region, na ginanap sa Marikina Sports Complex.
Umabot ang laro sa limang sets na may mga iskor na 18-25, 25-20, 19-25, 25-16, at 18-16, bilang pagbawi sa kanilang pagkatalo sa finals noong 2019 laban sa kaparehong team.
Nakuha nito ang panalo matapos mag-comeback sa final set, kung saan pinakita ni Most Valuable Player Jothea Ramos ang kanyang galing sa huling minutos .
Pinanungunahan naman ni Dona Mae de Leon ang recovery ng Region 6 sa pagkuha nito ng 21 puntos, 14 highlights, apat na blocks, at tatlong aces.
