NAGA CITY- Umabot na sa ₱800K ang pabuya para sa makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon sa salarin sa karumal-dumal na pagpatay sa Grade 11 student na si Roselle Bandojo ng Naga City.
Kahapon, nakausap ni Senator Raffy Tulfo ang ina at kapatid ng biktima pati na rin si PMaj. Nolan Romombio, commander ng Police Station 3.
Sinabi ng Senador sa kaniyang programa na ₱500K ang kaniyang pabuya. Una nang nangako ng reward money na ₱100K si Naga City Mayor Son Legacion , 3rd District Rep. Gabby Bordado at negosyanteng si Nonoy magtuto.
Ayon sa Senador, malaking bagay ito dahil mayroon ng pangyayari na napabilis ang pag abot ng hustisya sa tulong ng pabuya.
Naiintindihan naman ni Tulfo ang proseso ng PNP at ng NBI sa kaso. Limitado pa ang impormasyong inilalabas ngayon dahil sa nagpapatuloy na malalim na imbestigasyon. Naimbestigahan na ang mga person of interest.
Mababatid na nawala ang dalagita noong Hulyo 22 ng gabi at natagpuang naagnas na bangkay na noong Hulyo 28 ng hapon.