Ibinahagi ni Vice President-elect Sara Duterte ang mga detalye at kahalagahan ng kanyang napiling venue, sa nalalabing araw bago ang kanyang inasgurasyon sa Davao City sa June 19.
Si Duterte ay manunumpa bilang pang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas, sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Paliwanag ni Duterte, napili niya si Hernando, bilang ito ang kanyang dating professor, at malapit umano niyang kaibigan ito kasama ang asawa, sa loob ng mahigit 10-taon.
Ibinahagi rin ng outgoing Davao City mayor na napili niya ang San Pedro Square bilang venue ng inagurasyon, dahil ito ay nasa pagitan ng City Hall at San Pedro Cathedral.

kaugnay nito, ang bagong Bibliya na ibinigay sa kanya bilang regalo ang gagamitin niya sa oath-taking.
Nang matanong naman kung bakit napili niya ang University of Mindanao Alumni Chorale para kumanta sa kanyang inagurasyon, sinabi nitong sila ay sumisimbolo ng Davao o Mindanao. //MHEL PACIA