Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyon na ipanatili ang National Capital Region at iba pang mga lugar sa bansa, sa ilalim ng Alert Level 1 mula sa June 16 hanggang June 30, kaugnay sa COVID-19.
Ang desisyon ng IATF ay sa kabila ng mga napaulat na pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa NCR at iba pang lugar sa nakalipas na mga araw.
Ayon kay presidential spokesman Secretary Martin Andanar, ang mga sumusunod na probinsya, highly urbanized cities, at ICCs ay nasa Alert Level 1:

National Capital Region: Caloocan City, City of Malabon, City of Navotas, City of Valenzuela, Pateros, City of Pasig, City of Marikina, Taguig City, Quezon City, City of Manila, City of Makati, City of Mandaluyong, City of San Juan, City of Muntinlupa, City of Parañaque, City of Las Piñas, at Pasay City.
Ilang lugar sa Cordillera Administrative Region; mga piling lugar mula sa Regions I hangang 12; Region IV-A; Region IV-B; ilang lugar sa CARAGA region at ilang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. //MHEL PACIA